Isa pang katorse anyos na babae na suspected Dengvaxia victim, binawian ng buhay; bilang ng mga nasawi, umakyat na sa 151

Kinumpirma ni Public Attorney’s Office Chief Persida Rueda-Acosta na isa na namang suspected Dengvaxia victim mula sa Rizal ang binawian ng buhay.

 

Ayon kay Atty. Acosta, dalawang beses na naturukan ng Dengvaxia anti-dengue vaccine ang katorse anyos na dalagita at siya ay binawian ng buhay kaninag umaga.

 

Agad naman na pinuntahan ng PAO ang pamilya ng biktima para asistihan sa kanilang mga susunod na ligal na hakbang.


 

Kinumpirma naman ni Dr. Erwin Erfe, hepe ng PAO Forensic Laboratory na isinasailalim na nila ngayon sa forensic examination ang labi ng biktima.

Facebook Comments