Namatay sa bagyong Ursula umabot na sa 18 ayon sa PNP

18 indibidwal ang naitalang namatay nang manalasa ang bagyong Ursula sa ilang lugar sa bansa batay ito sa ulat Philippine National Police.

 

Ayon kay PNP Western Visayas Spokesperson  Police Lt Col Joem Javier, siyam ang naitalang namatay sa Iloilo, apat sa Capiz at isa sa Aklan.

 

11 naman ang nawawala sa Western Visayas, lima nawawala sa Iloilo, 2 Sa Pontevedra Capiz, at apat sa Malay Aklan. Tatlo naman ang naitalang sugatan dahil sa pananalasa ng bagyong Ursula.


 

Habang sa Eastern Samar kinumpirma ni Nelson Cortez ang Provincial Administrator ng Eastern Samar apat ang naitalang namatay.

 

3 rito ay sa Guian Samar at 1 sa Balangkayan sa Eastern Samar.

 

Nagpapatuloy ang monitoringng PNP para matukoy ang kabuuang pinsala ng bagyong Ursula.

Facebook Comments