Isa pang miyembro ng House prosecution team, iginiit na hindi kailangan ang special session para maumpisahan ang impeachment trial ni VP Sara

Nanindigan si San Juan Rep. Ysabel Maria Zamora na isa sa mga miyembro ng House prosecution panel na hindi na kailangan na magpatawag ang Pangulo ng special session para masimulan ng Senado ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Diin ni Zamora, alinsunod sa Konstitusyon ay kasama sa mandato ng Senado ang paganap bilang impeachment court kahit sa panahon ng recess ng session kaya hindi kinakailangang ipatawag ng Pangulo ang isang espesyal na sesyon.

Suportado rin ni Zamora ang pasya ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. na hindi makialam sa impeachment proceedings para sa Bise Presidente.

Paliwanag ni Zamora, may prinsipyo ng paghihiwalay ng kapangyarihan sa pagitan ng mga sangay ng gobyerno kaya mainam ang pagdistansya ni PBBM sa proseso ng impeachment kay VP Sara.

Facebook Comments