
Patuloy na nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) na magkaroon ng batas laban sa permanenteng deklarasyon ng mga nuisance candidate.
Ito ay matapos ang desisyon sa kandidatura ng social media personality na si Francis Leo Marcos na naghain ng kaniyang COC pero umatras din kalaunan.
Bagama’t idineklara siyang nuisance candidate o panggulo ng poll body, umapela ito sa Korte Suprema kaya nag-ulit ng pag-imprenta para maisama ang kaniyang pangalan.
Pero muling umatras si Marcos o Norman Mangusin kaya nagkaroon nanaman ng adjustment ang Comelec.
Ayon kay Chairman George Garcia, nais nilang gawing isang krimen ang pagiging nuisance candidate lalo na’t posibleng sinasamantala umano ito ng ilang indibidwal.
Nitong Martes nang maglabas ang Korte Suprema ng show cause order laban kay Marcos para pagpaliwanagin kung bakit hindi dapat siya i-cite in contempt dahil sa hindi paggalang sa proseso ng Mataas na Hukuman.