Mandaluyong City. Makaraan ang mahigit tatlong linggo ay nagtungo sa PCSO ang isa sa dalawang masuwerteng nanalo ng Ultra Lotto 6/58 na may kumbinasyon na na 16-27-08-05-12 at 23 na binola noong March 23, 2021 at nagtataglay ng jackpot prize na Php55,075,262.80 upang kuhanin ang kanyang bahagi sa papremyo. Ang cheke ng kanyang napanalunan ay iniabot ni Atty. Raymond Samarita, Chief of Staff ni General Manager Royina M. Garma.
Ang masuwerteng nanalo na bumili ng tiket sa Las Pinas City ay nagtatrabaho bilang isang messenger. Isa sa kanyang mga anak ay tumigil muna sa kanyang pag-aaral upang tumulong sa kanila at pinasok ang sari-saring pwedeng pasukan tulad ng pagtitinda, trabahante at karpentero
Aniya, “plano ko na bilhin ang aming pinapangarap na bahay at gamitin ng mahusay ang pera upang mapagtapos ang aming mga anak. Binabalak ko rin na magtayo ng sari-sari store at makapag grab-car service. Noon ay nanalo na ako ng 5 digits muntik na sa jackpot ngunit hindi ako sumuko kailanman at sinubukan itaya ang aking alagang mga numero. Maraming salamat sa Panginoon at PCSO at ngayon ay naswerterhan naming ang jackpot. Simula pa ng 1995 ako po ay tumataya na sa Lotto.”
Ang isa pang nanalo ng naturang jackpot prize na taga North Fairview, Quezon City ay nauna nang kumuha ng kanyang napanalunan noong huling linggo ng March 2021.
Para makuha ang jackpot prize mangyari lamang na magpunta sa Main Office ng PCSO sa Shaw Boulevard, Mandaluyong City. Importanteng magdala ng dalawang
(2) valid government issued ID at higit sa lahat dalhin ang winning ticket para sa beripikasyon.
Ayon sa Republic Act No. 1169, ang mga paparemyo na hindi makukuha sa lood ng isang taon, simula sa araw ng pagbola ng ticket ay itinuturing na forfeited na o pagkawalang-bisa nito ay mapupunta sa Charity Fund
Isa na namang kababayan ang biniyayaan na matupad ang pangarap dahil sa paglaro ng Lotto. Kaya sa mga tumatangkilik sa larong Lotto ng PCSO, wag tayong mawalan ng pag-asa, tuloy tuloy lang ang pagbili ng ticket, malay nyo kayo na ang susunod na maging milyonaryo. Kung hindi man palarin na maging milyonaryo, tayo naman ay nakatulong sa ating kapwa sa pamamagitan ng mga programang pangkawanggawa ng PCSO.
Ang mga larong may puso ng PCSO ay nagbabahagi ng porsyento ng kanilang kinita sa ibat ibang charity programs nito tulad ng Medical Access Program, Calamity Assistance, Pamamahagi ng Patient Transport Vehicles at marami pang iba.