ALITAN SA ISANG LAMAY SA URDANETA CITY, NAUWI SA PAMAMARIL

49

Kasalukuyang nagpapagaling sa pagamutan ang isang magsasaka matapos itong barilin ng kanyang naka-alitan habang nasa isang lamay sa Urdaneta City.

Kinilala ang biktima na si Arnold Galinato samantalang ang suspek ay nakilala sa pangalang Baboy Estevez.


Lumalabas sa imbestigasyon ng PNP na nasa isang lamay ang dalawa nang magkaroon ng mainitang diskusyon.

Walang anu-ano ay naglabas ng baril ang suspek at agad na pinaputukan ang biktima sa katawan na agad namang naisugod sa pagamutan at kasalukuyang inoobserbahan.

Sa ngayon ay patuloy namang tinutugis ng kapulisan ang tumakas na suspek.

Facebook Comments