Bilang ng mga lumahok sa Local Absentee Voting, umabot na sa 60,000

Umaabot na sa 60,000 ang mga lumahok sa Local Absentee Voting (LAV).

Sa datos na inilabas ng Commission on Elections (COMELEC), kabilang sa pinakamaraming lumahok sa Local Absentee Voting sa bansa ay mga tauhan ng Philippine National Police PNP na umaabot sa mahigit 32,000.

Sumunod ang mga tauhan ng Philippine Army na nasa mahigit 20,000.


Halos 900 din na mga kagawad ng media ang nakaboto na sa pamamagitan ng LAV.

Kabilang din sa mga tauhan ng gobyerno na lumahok sa nasabing botohan ay mula sa Philippine Air Force, Philippine Navy, Philippine Marines, Department of Education (DepEd), BJMP, Bureau of Fire Protection (BFP), COMELEC, DILG, Philippine Coast Guard (PCG), DFA, PAO, NAPOCOR at iba pa.

Facebook Comments