Tuesday, March 10, 2026

Isa pang suspek sa hazing na ikinasawi ng 19 na taong gulang na maritime student, sumuko sa CIDG

Sumuko sa Criminal Investigation and Detection Group-National Capital Region (CIDG-NCR) ang isa pang suspek sa hazing na ikinasawi ng 19 na taong gulang na maritime student sa General Trias Cavite.

Kinumpirma ito ni CIDG-NCR Ditector PCol. John Guiagui kung saan ang nasabing suspek ay sumuko sa kanilang tanggapan kagabi.

Ang nasabing sumukong suspek ay 26 na taong gulang at kabilang sa mga pinangalanan ni DILG Sec. Jonvic Remulla noong Biyernes.

Nakatakda namang iturn over ang nasabing suspek sa General Trias Cavite na siyang humahawak sa nasabing kaso.

Sa ngayon 7 suspek na ang hawak ng mga awtoridad.

Facebook Comments