Tuesday, March 3, 2026

Isa, patay apat sugatan matapos bumagsak ang isang civilian helicopter sa Pililla, Rizal

Isa ang napaulat na nasawi habang apat ang sugatan matapos na bumagsak ang sinasakyang civilian helicopter sa Upper Barak, Quisao, Pililla, Rizal.

Base sa social media post ni Pililla Mayor John Masinsin, nangyari ang insidente alas-7:27 ng umaga.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, lima ang sakay ng naturang aircraft kung saan dalawa sa mga ito ay foreign national.

Samantala, dalawa sa apat na sugatan ay nasa kritikal na kondisyon habang ang dalawa naman ay nagtamo ng minor injuries.

Nadala na sa ospital ang mga sugatan sa nangyaring insidente habang nasa lugar na ang mga awtoridad sa pangunguna ng Pililla Municipal Police Station kasama ang mga emergency responders at kawani ng barangay.

Facebook Comments