Isa patay isa sugatan sa pananaksak sa Negros Occidental

19

Negros Occidental – Patay ang isang lalaki habang sugatan ang isa pa matapos magsaksakan sa Barangay Handumanan, Bacolod City, Negros Occidental nitong Bagong Taon.

Kinilala ang namatay na si Vincent Otid na nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nagpapagamot naman sa ospital si Jonald Valentino dahil din sa tinamong sugat sa pananaksak.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang dahilan sa insidente.

Facebook Comments