Isa patay, isa sugatan sa salpukan ng motorrider sa Taguig City

78

Manila, Philippines – Patay ang 48 anyos na si Jonathan Marano matapos na sumalpok sa isa pang motorsiklo sa Taguig.

Parehas na binabagtas ng kawasaki rouser 200 na minamaneho ni Marano at ng yamaha sniper 135 motorcycle na may plate number 5078 na minamaneho ni Carlo Sabal ang kahabaaan ng MLQ avenue at pagsapit sa MLQ bridge sa Barangay Bagumbayan ay dito na parehong nabulaga at nagkasalpukan ang dalawang motorsiklo.

Parehong nakabulagta ang dalawa nang abutan ng Barangay Lower Bicutan rescue team.

Naisugod pa sa Taguig-Pateros District Hospital ang motorrider ng yamaha sniper na si Carlo Sabal, 19 anyos, binata at technician.

Pero patay na nang idating na si Jonathan Marano.

 

Facebook Comments