Traffic enforcer na nagmamando ng daloy ng trapiko, sinasagasaan ng taxi sa Cubao QC

36

Manila, Philippines – Sinagasaan ng isang taxi driver ang Traffic Enforcer na nagmamando lamang ng daloy ng trapiko sa Cubao, Quezon City.

Kinilala ang biktima na si Constantino Matining, 60 anyos, isang traffic enforcer, residente Escopa 3, Proj. 4, QC.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya habang nagmamando ng daloy ng trapiko ang traffic enforcer sa EDSA Cubao, biglang sumulpot na CEU taxi kulay puti na nag-u-turn kahit na bawal kayat pinahinto o pinara ng traffic enforcer pero binalewala lamang ng taxi driver si Matining bagkus sinasagasaan pa ang traffic enforcer sa kanang bahagi ng kanyang katawan kung saan nalaglag pa ang kanang side mirror ng taxi.

Tumakas ang taxi papuntang Sta. Mesa. Manila.

Aalamin ngayon ni Matining sa LTO kung kayang ma-trace ang taxi sa kabila ng hindi nito nakuha ang plaka ng CEU taxi na kulay puti.

DZXL558

Facebook Comments