Isa patay matapos madaganan ng cement mixer ang isang kotse sa Mindanao Ave. sa Quezon City

*Quezon City* – Patay ang driver ng kotse na nadaganan ng cement mixer truck na tumagilid sa Mindanao Avenue sa Quezon City Martes ng hapon (August 15).

Kinilala ang nasawing biktima na si Ulysses Ramos habang nagpapagaling na sa Metro North Hospital at Quezon City General Hospital ang misis nitong si Marife Ramos, 43 anyos at kanilang mga anak na sina Eulariza, 12 years old; Ramos, 8 years old at Eurico, 5 years old.

Nasa kustodiya naman ng mga otoridad ang driver ng truck na si Jayson Muleta.


Sa kuha ng CCTV, makikita ang truck na tuluy-tuloy ang takbo na sumampa sa center island bago tumagilid at dumagan sa kotse ng mga biktima.

Gumamit pa ng kahoy at bakal ang mga rescuer para maiangat ang dumagan na mixer para makuha ang mga biktima.

Huling nailabas sa pagkakaipit si Ulysses at tuluyan nang naalis ang tumagilid na mixer at kotse sa Mindanao Avenue na nagdulot ng mabigat na daloy ng trapiko.

Nakipag-ugnayan na rin sa mga biktima ang Topstar Mix Ready Concrete Inc., ang kumpanyang may-ari ng truck.

Facebook Comments