Isa sa 14 na sundalong lubhang sugatan matapos makipag-engkwentro sa Abu Sayyaf Group, binawian na rin buhay sa ospital

Umabot na sa 12 sundalo ang namatay matapos ang nangyaring sagupaan sa pagitan ng Abu Sayyaf Group sa Patikul, Sulu nitong April 17.

Ito ang kinumpirma ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Western Mindanao Command Commander Lt. General Cirilito Sobejana.

Aniya, hindi na kinaya pa at nasawi kaninang alas-7:40 ng umaga kanina ang isa sa 14 na sundalong lubhang nasugatan sa sagupaan habang ginagamot sa Ciudad Medical Zamboanga.


Kinilala itong si SSg. Alexander Bolesa miyembro ng Philippine Army na nagtamo ng tama ng bala ng baril sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan partikular sa maseselang parte ng kanyang katawan dahilan ng kanyang pagkamatay.

Matatandaang 11 sundalo ang unang namatay sa sagupaan nitong April 17 matapos makaengkwentro ang ASG sa Patikul, Sulu habang nagpapatrolya ang mga sundalo.

Sa ngayon, patuloy na ginagamot ang 13 pang sugatan sundalo sa sagupaan.

Facebook Comments