Isa sa mga presong nasugatan sa riot sa Bilibid kahapon, binawian na ng buhay

43

Kinumpirma ni Bureau of Corrections (BuCor) Spokesman Colonel Gabby Chaclag na pumanaw na ang isa sa mga nasugatang inmates na isinugod sa ospital matapos ang riot kahapon ng Sputnik at Commando gang sa maximum security compound sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City.

Kinumpirma rin ni Chaclag na inilipat na sa Ospital ng Muntinlupa mula sa NBP Hospital ang 20 Person Deprived of Liberty (PDL) na sugatan sa riot habang ibinalik naman sa kanilang mga selda ang 43 PDLs na nagtamo ng minor injuries.


Sa nasabing riot kahapon, tatlo ang nasawi at 64 ang mga bilanggong nasugatan.

Facebook Comments