Isa sa mga suspek ng GenSan bombing noong Sept 16, patay sa buybust operation

General Santos City- Patay matapos manlaban sa isinagawang buybust operation ng Polomolok Municipal Police Station ang isa sa mga itinuturing na suspek sa nangyaring pamomomba sa dito sa lungsod ng Heneral Santos noong september 16.

Ang suspek nakilalang si Samrud Embang, tinatayang nasa dalawampu’t dalawang taong gulang na residente ng Brgy. Lapu, Polomolok South Cotabato.

Alas 4 pasado ng hapon ng isinagawa ang buybust operation sa Glamang, Polomolok kung saan nakatunog ang suspek na pulis ang katransaksyon nito kaya’t unang bumunot at pinaputukan ang tropa dahilan upang makipagpalitan ng putok ang operatiba na naging sanhi ng pagkasugat nito.


Dinala pa sa hospital ang suspek ngunit dineklarang dead on arrival.

Nakuha sa posisyon ng suspek ang isang calibre 38 revolver, dalawang sachet ng pinaniniwalaang shabu at marked money.

Ayon sa Polomolok pnp, isa sa mga drug surrenderee ang suspek at nakatapos sa communuty based rehabilitation program ngunit bumalik pa rin sa illegal na gawain.

Lumalabas rin sa intel report ng PNP na miyembro ng Ansar Al Khilafa Philippines ang suspek.

Matatandaan na unang nahuli ang isang Jeffrey Alonzo na residente rin ng Brgy. Lapu, Polomolok na isa rin sa mga suspek ng pambobomba sa lungsod dahil na rin isinagawang buybust operation.

Facebook Comments