Isa sa mga suspek sa pagnanakaw ng 30 milyong piso sa isang Japanese sa Pasig, sumuko sa Sorsogon

Nasa kustodiya na ngayon ng Pasig City Police Office ang isa sa mga suspek sa pagnanakaw ng 30 milyong piso mula sa mag-live in partner na Japanese national at Pinay sa Kapitolyo, Pasig City nitong nakalipas na Sabado.

Ito ay matapos na sumuko sa local official ng Bulusan, Sorsogon ang suspek na si Galan Roel na agad namang itinurn-over sa Bulusan Municipal Police Office nitong December 21.

Ayon kay Bicol Regional Philippine National Police (PNP) Spokesperson P/Maj. Malou Calubaquib, dinala muna ito sa Regional Mobile Force Battalion 5 bago ibyenahe pabalik ng Maynila.


Si Roel ay kasama ang 4 na pulis Taguig at isang sibilyan na nagnakaw sa kaha de yero o vault ng biktimang Hapones kung saan nilimas ang laman nitong 30 milyong piso.

Facebook Comments