Isa sa mga tren ng LRT-1, muling nagka-aberya

Muling nagka-aberya ang isa sa mga tren ng Light Rail Transit o LRT line 1 ngayong umaga.

Ayon kay Jacqueline Gorospe, ang Corporate Communications Head ng Light Rail Manila Corporation (LRMC), naganap ang aberya pasado alas-9:00 ng umaga.

Agad na pinaayos sa technician ang problema sa Light Rail Vehicles o LRV sa EDSA Station, Southbound.


Pero dahil sa aberya, nagpatupad ng 15kph speed restriction mula Baclaran hanggang Roosevelt.

Humihingi naman ng paumanhin ang pamunuan ng LRT line 1 sa panibagong aberya, lalo’t kahapon ay dalawa ang nairekord na problema sa mga tren.

Makalipas naman ang halos sampung minuto, nasa Green and Go na sa lahat ng 20 stations ng LRT line 1 habang magpapabiyahe naman ng skip trains para maserbisyuhan ang mga naabalang pasahero.

Facebook Comments