Isa sa mga wanted person ng MPD, arestado

22

Nadakip na ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang isang lalaki na kasama sa kanilang listahan bilang most wanted person.

Nakilala ang naaresto na si Jonathan Estrella na residente ng Orion Street sa Tondo.

Si Estrella ay napag-alaman na may kinakaharap na kasong paglabag sa RA 9165 o may kaugnayan sa iligal na droga.


Ilang buwan din pinaghahanap ng mga awtoridad si Estrella dahil pabalik-balik ito sa kaniyang kaanak sa kalapit na probinsya at sa Maynila.

Pero nakatanggap ng tip ang mga pulis sa isang concerned citizen hinggil sa lugar na pinagtataguan nito.

Kaya’t dito na ikinasa ang manhunt operation hanggang sa masakote si Estrella.



Facebook Comments