Sugatan ang isa sa mga bumbero sa nagpapatuloy na sunog sa Notre-Dame Cathedral sa Paris, France.
Ayon kay Paris fire brigade Commander General Jean-Claude Gallet, sa ngayon ay kontrolado na ang apoy matapos na magtulong-tulong ang aabot sa apatnaraang bumbero.
Kabilang sa naapektuhan ng sunog ang dalawang tore at bubong ng simbahan habang nailigtas naman ang ilan sa mahahalagang work of arts ng cathedral.
Hindi pa rin mabatid ang dahilan ng sunog.
Maraming mga residente sa Paris ang nagluluksa ngayon sa pagkakasunog ng isa sa UNESCO world heritage site.
Nagpaabot na rin ng pagkalungkot sa insidente sina French President Emmanuel Macron na kinansela ang kanyang address to the nation, United Nation Chief Antonio Guterres, British Prime Minister Theresa May at dating US President Barack Obama.
12th century o taong 1163 ng itinayo ang cathedral na itinampok sa classic novel ni Victor Hugo’s “The Hunchback of Notre-Dame”.