ISABELA, KASAMA SA ISASAILALIM SA GENERAL COMMUNITY QUARANTINE!

Cauayan City – Anim na araw bago matapos ang Extended Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa April 30, 2020 ay inirekomendang isailalim na ang Lalawigan ng Isabela sa General Community Quarantine (GCQ).

Ito ay matapos na opisyal na ideklara ng DOH na COVID-19 free ang buong Lalawigan.

Ayon sa pahayag ni Presidential Spokesman Harry Roque, ang GCQ ay mas ‘relaxed’ kumpara ECQ.


Ibig sabihin, pinapayagan ang mga miyembro ng pamilya na makalabas sa kanilang mga tahanan para bumili ng mga kakailangan.

Dito maaari na ring payagan ang mass transportasyon at maaari naring makabalik ang ilang mga empleyado sa kanilang mga trabaho.

Ang lalawigan ng Isabela sa ngayon ay kasali sa mga itinuturing na Moderate-risk areas.

Ito ay matapos na magnegatibo ang lahat ng walong (8) COVID-19 patients.

Ito ngayon ang dahilan ng rekomendasyon para maipasama ang Isabela sa GCQ.

Kasama din sa kategoryang ito ang mga probinsya ng Cagayan at Nueva Vizcaya samantalang ang Batanes at Quirino ay kasali sa Low-risk areas matapos na walang naitalang kaso ng COVID-19 mula noong ipatupad ang ECQ.

Sakaling maaprubahan, tatagal ang GCQ hanggang May 15, 2020.

Facebook Comments