Isabela, Mayroon na Lamang 527 Aktibong Kaso ng COVID-19

Cauayan City, Isabela- Bumaba na lamang sa 28 ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa Lalawigan ng Isabela.

Batay sa datos na inilabas ng Department of Health (DOH) Region 2 ngayong araw, July 19, 2021, bahagya muling tumaas sa 527 ang aktibong kaso sa probinsya matapos madagdagan ng 28 na bagong COVID cases.

Nakapagtala naman ang probinsya ngayong araw ng 24 na bagong gumaling at isang (1) namatay sa COVID-19.


Umaabot naman sa 26,529 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa COVID-19 habang mayroon ng 862 na kabuuang bilang ng namatay sa nasabing virus.

Sa kasalukuyan, mayroon ng 27,918 total cumulative cases ng COVID-19 sa probinsya.

Facebook Comments