Isabela, Mayroon pang Higit 1,500 Positibo sa COVID-19

Cauayan City, Isabela- Pumapalo pa rin sa mahigit 1,500 ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa buong lalawigan ng Isabela.

Sa pinakahuling tala ng Regional Epidemiology Surveillance Unit (RESU) ngayong araw, June 4, 2021, nasa 1,593 na ang active cases ng probinsya kabilang ang 176 na bagong nagpositibo.

Umaabot naman sa 22,124 ang kabuuang bilang ng mga gumaling sa COVID-19 samantalang tumaas sa 747 ang bilang ng mga namatay sa virus.


Sa kasalukuyan, mayroong 24,464 na total cumulative cases ng COVID-19 ang Isabela.

Samantala, naungusan na ng bayan ng Tumauini ang Cauayan City sa may pinakamataas na bilang ng aktibong kaso na umaabot na sa 173 samantalang bumaba na lamang sa 143 ang active cases ng Cauayan City.

Facebook Comments