Isabela PPO, Nagpaalala kaugnay sa Posibleng Pagkalat ng Pekeng Pera!

104

*Cauayan City, Isabela- *Muling nagpaalala si P/Col. Mariano Rodriguez, Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office (IPPO) sa publiko kaugnay sa posibleng pagkalat nanaman ng mga pekeng pera lalo na ngayong nalalapit na kapaskuhan at bagong taon.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay P/Col. Rodriguez, kanyang ipinaalala sa publiko na maging mapanuri at kilatising mabuti ang mga perang tinatanggap na ipinambibili ng ilang manloloko.


Kailangan din aniyang mapagmatiyag sa ating kapaligiran lalo ngayon panahon na ito na maaring samantalahin ng mga kawatan.

Dagdag pa ni PCol Rodriguez, walang puwang sa Lalawigan ng Isabela ang mga taong mapagsamantala lalo na ang mga gumagawa ng krimen dahil mahaba aniya ang batas upang sila’y hulihin.

Facebook Comments

From Advertisers