Halos 2 milyon na kustomer ng Meralco sa Luzon Grid, nakaranas ng power interruption nitong weekend

Nakaranas ng power interruption ang halos dalawang milyong kustomer ng Meralco sa Luzon Grid nitong Sabado dahil sa ipinatupad na manual load dropping o pagbabawas sa supply ng kuryente kasabay ng pagdedeklara ng red alert.
Ayon sa Meralco, sinimulan ang load dropping bandang 2:17 p.m. at tumagal hanggang 11:47 p.m. na nakaapekto sa mga kustomer sa Metro Manila, Bulacan, Pampanga, Cavite, Batangas, Laguna at Quezon.
Isinailalim sa red alert ang Luzon Grid nitong Sabado, simula 1 p.m. hanggang 12 a.m. ng Linggo bunsod ng outage ng Ilijan Block A at B na may kapasidad na 1,200 megawatts.

Facebook Comments