Isang Australian senator, nagprotesta sa gitna ng talumpati ni PBBM

Nagsagawa ng stage protest ang isang Australian senator sa gitna ng talumpati ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Australian Parliament.

Sa Parliamentary address ng pangulo, matapang na inilabas ni Senator Janet Rice ang isang karatulang may nakasulat na “stop the human rights abuses.”

Ayon kay Rice, mas lumala ang korapsyon sa Pilipinas sa ilalim ng administrasyong Marcos.


Hanggang sa kasalukuyan aniya ay may political prisoners pa rin at ang batas kontra terorismo ay ginagamit na pantapal sa extrajudicial killings.

Batay sa isang news agency sa Australia, sinabing pinalabas si Rice ng House of Representatives habang ipinagpapatuloy ni Pangulong Marcos ang kanyang talumpati.

Samantala, mas pinili rin aniya ni Senator Jordon Steele-John, na hindi dumalo sa talumpati ni Pangulong Marcos, at sa halip ay sumama sa mga Australian-Filipino protesters na nagsagawa ng demonstrasyon sa labas ng gusali.

Dismayado rin sina Senators Barbara Pocock at David Shoebridge sa pagkaka-imbita ni PBBM bilang Guest of the Government ng Australia.

Facebook Comments