Drag artist na si Pura Luka Vega, muling inaresto ng MPD

Muling inaresto ng Manila Police District (MPD) ang drag artist na si Amadeus Fernando Pagente o mas kilala bilang Pura Luka Vega.

Inaresto si Pura Luka Vega sa bisa ng warrant of arrest ng korte ng Quezon City dahil sa paglabag sa R.A. 10175 o ang Cybercime Prevention Act of 2012, Article 201 – Immoral Doctrines, obscene publications and exhibitions, and indecent shows ng Revised Penal Code.

Ito ay kasunod ng reklamong inihain laban sa kaniya ng tatlong simbahang kaanib ng Philippines for Jesus Movement.


Nasa ₱360,000 ang itinakdang piyansa para sa kalayaan ni Pura Luka Vega.

Matatandaang noong October 2023 ay inaresto si Pura Luka Vega dahil sa kaniyang kontrobersyal na “Ama Namin” drag performance.

Nakulong ito ng tatlong araw at nakalaya rin matapos magbayad ng piyansa.

Facebook Comments