Isang babae, matiwasay na nakapanganak sa kanyang bahay sa Maynila dahil sa tulong ng isang pulis

Matiwasay na naisilang ng 23-anyos na si Shiela Mae Villegas ang kanyang sanggol na lalaki dahil sa tulong ni PLt. Jhonn Florence Alacon.

Base sa report ng pulisya, biglaang napaanak si Villegas sa loob ng kanyang bahay sa Brgy. 764, Zone 83, District V, Manila.

Nang mapansin ni PLt. Alacon na nagkakagulo sa tahanan ni Villegas ay agad itong rumesponde.


Matapos tulungang makapanganak ay agad dinala ni Alacon si Villegas at baby boy nito sa pinakamalapit na lying in clinic.

Ang mag-ina ay nasa maayos ng kondisyon ngayon.

Labis naman ang pasasalamat ng mister ng ginang na si Jerome Villegas kay PLt. Alacon.

Facebook Comments