Isang babae, nahulihan ng shabu sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City

Manila, Philippines – Nahulihan ng  shabu ang isang babae na dadalaw lang sana sa isang kamag-anak na nakakulong sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.
 
Kalaboso si Lorena Flores, 41-anyos, may asawa, vendor, at nakatira sa Purok 3, MLQ Street, Brgy. Bagumbayan.
 
Ayon sa pulisya, nagsasagawa ng body frisking sina PO1 Romelyn Blanco at PO1 Phoebe Lou Daluping sa mga dumadalaw sa custodial center bang nakuha mula sa pag-iingat ni Flores ang isang pakete ng nonchalant shabu kaya’t inaresto ito ng mga pulis.
 
Inihahanda na ng Taguig City Police ang kasong paglabag sa RA 9165 o dangerous drugs law laban sa naturang suspek.
 

Facebook Comments