Mga magtatapos sa PNPA, pinayuhang huwag hihingi ng pabor sa mga pulitiko

68
Manila, Philippines – Pinayuhan ni PNP Chief Dir. Gen Ronald Dela Rosa ang mga PNPA graduates Masidlak class of 2017 na sa pagpasok nila sa mga napiling branch of service ay sikaping huwag hihingi ng pabor sa mga pulitiko.
 
Ayon kay PNP Chief Dela Rosa, sa paghingi kasi ng pabor sa mga pulitiko ay nagsisimulang mabahiran ng pangit ang career ng ilang pulis.
 
Mahigpit pang bilin ni Dela Rosa sa mga magtatapos na kadete na huwag magpasilaw sa pera dahil sa hindi naman nadadala sa langit ang pera sa halip minsan ay nagdadala pa ito sa kapahamakan.
 
Huwag rin daw mamimili ng assignment ang mga PNPA graduates.
 
Aniya na kung i-aasign ang mga ito sa Basilan ay hindi nila ito dapat tanggihan.


Facebook Comments