Isang babaeng artist, gumagawa ng eksena bilang pag-kontra sa selfies

167

Panghimagas – Isang babae ngayon ang may kakaibang style para makilala sa social media.
Si Stephanie Leigh Rose, na nakilala dahil sa mga album nito na “Stefdies” kung saan nagpapakuha ito ng mga pictures na siya ay patay na sa mga sikat na tourist spot sa buong mundo.
Ayon sa artist na si Stephanie, isa itong paraan ng “anti-selfies” lalo na’t marami sa mga kabataan ngayon ay naaadik na sa pagkuha ng sarili nilang litrato nang hindi naman ini-enjoy at nirerespeto ang kapaligiran.
Simple lang ang style ni Stephanie, hihiga ito at aarte na parang namatay saka siya kukuhanan ng mga litrato ng mga nagdadaan.
Ilan sa mga lugar na napuntahan at na-feature ni Stephanie sa album ay ang Eiffel Tower, Goldes State Bridge, Notre Daem at iba pa.
Makikita naman ang kakaibang proyekto ni Stephanie sa social media page nito sa Instagram at Facebook o kaya ay sa website nito na stefides.com.

Facebook Comments