Isang Bahay sa San Mariano, Nilamon ng Apoy

San Mariano, Isabela – Naabo ang bahay ng isang residente sa Brgy. Zone 3 San Mariano, Isabela matapos itong lamunin ng apoy dakong alas dose kwarenta ng hapon ngayong araw, Enero 21, 2018.

Kinilala ang my-ari ng bahay na si Helen Taguba.

Sa mismong pagtutok ng RMN Cauayan News Team kitang-kita kung paano tupukin ng napakalaking apoy ang bahay ng biktima kung saan nadamay din ang ikalawang palapag ng kalapit na bahay na pagmamay-ari naman ni Ginoong Danny Daguilan.


Nagtulong-tulong naman ang mga bumbero ng San Mariano at kalapit bayan gaya ng Benito, Soliven at Naguillan, Isabela upang maapula at di na kumalat ang sunog.

Kalukuyan pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng BFP San Mariano, sa panunguna ni Senior Fire Oficer 2 (SFO2) Jaymar Domingo, Fire Marshall ng nasabing lugar, upang alamin ang pinagmulan at halaga ng napinsala ng sunog.

(UPDATE as of 6:00pm) Sa pinakahuling update, umabot na sa dalawangdaang libong piso ang naging pinsala ng naiulat na sunog na kasalukuyan pa ring iniimbestigahan ng BFP San Mariano.
Facebook Comments