Tinupok ng apoy ang isang bahay na gawa sa semi-concrete materials sa Zone 4, Barangay Mabanogbog, Urdaneta City, Pangasinan, noong gabi ng Enero 22, 2026.
Batay sa ulat ng Urdaneta City Fire Station, sumiklab ang sunog bandang alas-sais singkwenta ng gabi, kung saan agad na rumesponde ang himpilan at nagdeklara ng fire out matapos ang mahigit 30 minuto ng pag-apula ng apoy.
Ang nasunog na bahay ay pagmamay-ari ng isang 47-anyos na tindera at residente ng Urdaneta City.
Wala namang naiulat na nasugatan o nasawi sa insidente.
Bagama’t patuloy pang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang sanhi at halaga ng pinsalang naidulot ng sunog, nagpaalala ang Urdaneta City Fire Station ng kaukulang pag-iingat sa mga residente, lalo na sa paggamit ng appliances at pagluluto, para maiwasan ang mga kahalintulad na insidente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










