Idinonate sa sariling paaralan ng isang batang Pinoy mula sa Roma ang kanyang nakuhang zucchetto o skullcap mula mismo kay Pope Francis noong Mayo.
Ang skullcap na ito ay niregalo ng Santo Papa kay Simone Gabriele Caalaman na isa lamang sa nabigyan ng pagkakataon na magkaroon ng special Papal Audience para sa ika-300 anibersaryo ng pagkamatay ni St. John de La Salle.
Ibinigay ito ni Pope Francis matapos hilingin ng bata kung maaari siya nitong mahawakan.
Sinabi ng ina ng bata, “Idinonate niya sa school. Sabi niya pagpapa-thank niya raw sa school kasi kung hindi dahil sa kanila hindi niya daw makikita si Papa Francesco.”
Dagdag pa niya ay nais daw maging magandang ehemplo ng anak sa ibang mga tao at mga kabataang gaya niya lalo’t siya lang din ang Pinoy na ipinadala ng eskwelahan niya, ang Scuola Paritaria La Salle Roma.
Samantala, mensahe naman ni Simeon para sa ibang batang gaya niya na gustong makita ang Santo Papa, “For all the people who wish to meet Pope Francis, the first thing they should do is be good, always pray, and always have the opportunity to do it, and never lose hope.”