Niyanig ng 3.5 magnitude na lindol ang bayan ng Calayan, probinsya ng Cagayan bandang 10:05 ngayong umaga.
Batay sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) nasa 67 kilometers west ng Calayan ang epicentro ng nasabing lindol.
Tectonic ang pinagmulan ng pagyaning na may lalim na 12 kilometers.
Walang naitala ang PHIVOLCS na mga aftershock at intensity na naramdaman sa mga kalapit na lugar mula sa pinagmulan ng lindol.
Tiniyak naman ng pamunuan ng PHIVOLCS na walang nasaktan o nasugatan at nasirang mga ari-arian sa naging lugar na dulot ng pagyanig.
Facebook Comments