Niyanig ng 3.1 magnitude na lindol ang bayan ng Sarangani, lalawigan ng Davao Occidental bandang alas-8:42 ngayong umaga.
Batay sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), nasa 115-kilometer east ng Sarangani ang epicentro ng lindol.
Tectonic ang pinagmulan ng pagyanig at may lalim ito na 10 kilometers.
Ayon sa pamunuan ng PHIVOLCS, wala naman naitalang aftershocks at intensities sa mga kalapit na lugar ng dahil sa pag yanig.
Wala rin nasugatan o nasaktang mga residente o napinsalang mga ari-arian na dulot ng lindol.
Hindi rin naglabas ng tsunami alert ang PHIVOLCS sa mga karagatan kung saan malapit sa pagyanig.
Facebook Comments