Isang Chinese national, pinagbabaril sa Ermita, Maynila

330

Pinaghahanap na ng Ermita Police Station-5 ang suspek na responsable sa pamamaril sa isang Chinese national.

Sa imbestigasyon, isang Leo Gambala ang siyang nakakita sa insidente kung saan nangyari ang pamamaril sa may bahagi ng P. Burgos Street sa tapat lamang ng National Museum.


Kwento ni Gambala, napansin niyang nagkakasagutan ang suspek na sakay ng motorsiklo na kulay itim at orange at ang biktimang si Wenyan Shao na sakay naman ng itim na Toyota Camry na may plate number na AAJ-8159.

Pagsapit sa stoplight ay dito na pinagbabaril ng hindi nakilalang suspek ang biktima kung saan nagawa ni Shao na paandarin ang kaniyang sasakyan hanggang sa bumangga ito sa center island sa tapat ng KKK Monument.

Agad na tumawag ang saksi ng pulis at ambulansiya kaya at naisugod ang biktima sa Manila Doctors Hospital na nagkaroon ng tama ng bala sa kanang pisngi.

Sa ngayon, sinisilip na ng mga awtoridad ang kopya ng CCTV para matukoy ang pagkakakilanlan ng suspek.

Facebook Comments