Isang binata ang patay, habang isa ang sugatan sa pamamaril ng riding in tandem sa Caloocan City

56
Manila, Philippines – Patay ang isang binata habang  isa ang sugatan matapos na pagbabarilin ng riding in tandem  sa  Brgy. 180, Caloocan City kagabi.

Kinilala  ang namatay na si Gandy Alagren, 19  anyos, habang sugatan naman ang kaibigan nitong si Denmark Abutaco, 17 anyos — kapwa residente ng Miramonte Heights sa naturang Barangay.

Batay sa imbestigasyon pulisya , mag-aalas onse kagabi sakay ang dalawang magkaibigan ng  motorsiklo nang harangin ng dalawang armadong lalaki na sakay din ng hiwalay na motorsiklo sa Phase 6 Sanana Road kanto  ng  Little Baguio Street.

Bumunot ng baril ang mga suspek at walang kaabog-abog na pinagbabaril ang magkaibigan kung saan nakatakbo pa si Abutaco at nadaplisan lang ng bala ng baril sa dibdib; habang nakatakas naman ang mga hindi nakilalang suspect.

Narecover sa pinangyarihan ng krimen  ang siyam na basyo ng bala ng kalibre 45 na baril. 

Napag-alaman na miyembro ng isang gang ang mga biktima at gumagamit din umano ang mga ito ng ilegal na droga.

Inaalam na ng mga awtoridad kung mayroong CCTV camera sa pinangyarihan ng krimen kung nahihiirapan  ang pulisya na malaman ang motibo ng mga suspek dahil hindi nakikipag-tulungan ang mga residente roon sa takot na baka sila ay balikan ng mga suspek.

Facebook Comments