Pinapayuhan ng Food and Drug Administration (FDA) ng healthcare professionals at mga establishemento na magsagawa ng voluntary product recall ng ilang Terumo® Needle.
Partikular ang MDR No. 00802 na gawa ng Terumo Philippines Corporation.
Ang product recall ay makaraang makatanggap ang Terumo Marketing Philippines Inc. ng reklamo na ang blister seals ng nabanggit na batch ng medical device ay misaligned o hindi pantay.
Makaraan ang imbestigasyon napatunayan na ang sealing portion ng package ay mas mababa kumpara sa manufacturing standard na 1.5mm.
Dahilan ng Terumo Philippines Corporation sa recall ay upang hindi makompromiso ang integridad ng kanilang produkto.
Sa ngayon ayon sa FDA wala namang reported patient injuries kaugnay ng maling produkto.