Isang ‘broken TV prank’ na kinagalit ng isang lola, viral

Screenshot via Joshua Reine Victor Lacson's Facebook video

Sa ibinahagi ni Joshua Reine Victor Lacson na video sa Facebook, ipinakita niya rito ang kaniyang ‘broken TV prank’ sa kaniyang lola.

Sa video, mapapanood dito ang lola ni Joshua na galit na galit dahil sa akala niyang nabasag ang kanilang flatscreen TV.

Binagsak ni Joshua ang monoblock chair saka pumasok ang lola at sinabing nabasag ang TV nang tumuntong siya sa upuan.


Pinagalitan ng lola ang binata at inamin din ni Joshua na wallpaper lamang ito.

Lalo pa itong nagalit nang mapansin na kinukuhanan pala siya video.

Tuwang-tuwa ang netizens sa naging reaksyon ng lola.

Umabot ito ng 12,600 reactions, 864 comments at 3,700 shares.

Panoorin ang kabuuan ng video:

Facebook Comments