Van na naaksidente sa Davao City na ikinamatay ng 10 katao, nakitaan ng paglabag sa speed limit

134

Davao City – Lumabag sa speed limit na 60 kilometers per hour ang naaksidenteng UV express kaninang madaling araw sa Davao City.

Ito ang lumabas sa imbestigasyon ng mga aworidad kaugnay sa nangyaring insidente na ikinamatay ng 10 katao kabilang ang van driver na si Joel Alcazarin, taga-Tapia, Purok 6, Compostela Valley Province.


Napag-alaman na tumatakbo sa bilis na 120 kilometer per hour ang van na nag-overtake at hindi na nakabalik sa kanyang lane matapos na makasalubong nito ang 10 wheeler truck na mula Davao papuntang Kapalong, Davao Del Norte.

Samantala, ayon kay land Transportation Office-11 Director Gomer Dy, isasailalim pa sa calibration ang kanilang speed gun pero patuloy pa rin ang traffic group at city transport and traffic management office sa paghuli ng mga lumalabag sa speed limit ng lungsod.
DZXL558

Facebook Comments