Isang cargo vessel, sumadsad sa mababaw na bahagi ng karagatan sa Sorsogon

Agad na sumaklolo ang Philippine Coast Guard (PCG) sa isang cargo vessel na sumadsad sa mababaw na bahagi ng karagatan na sakop ng Barcelona, Sorsogon.

Sa ulat ng PCG Station Sorsogon, nananatili ang domestic cargo vessel na LCT REGENT 101 sa mababaw na karagatan ng Sitio Boracay sa Barangay Luneta.

Nabatid na pag-aari ng Southern Regent Shipping Inc. ang nasabing vessel kung saan nagmula ito sa Lazi, Siquijor at patungo ng Lidong, Albay.


Pero dahil sa malakas na hangin at malalaking alon, napadpad ang malaking barko sa mababaw na bahagi ng karagatan.

Wala naman napaulat na nasaktan sa mga sakay ng nasabing barko pero patuloy ang imbestigasyon ng PCG para malaman kung may nangyaring pagtagas ng langis at pagkasira ng mga lamang dagat.

Maging ang loob ng cargo vessel ay isa-isa rin sinuri ng PCG para masigurong wala itong sira at ma-plano na rin kung paano ito maiaalis.

Facebook Comments