Isang construction worker at guwardya na active bilang Reserve Army, tumakbo bilang Senador

Naniniwala ang isang construction worker na malaki ang kanyang maitutulong sa kanyang mga kasamahang laborer kapag siya ay papalarin na manalo bilang senador sa darating na 2025 National and Local Elections.

Ang pahayag ay ginawa ni Warlito Bovier, na naghain ng kanyang kandidatura bilang Senador.

Sakaling palarin, nais ni Bovier na magkaroon ng pantay na batas para sa mga mahihirap, at mga skilled worker na hindi napapansin ng pamahalaan dahil hindi umano nakasama sa minimum wage ang kanilang mga sahod.


Aniya, kulang ang minimum na P600 para sa mga laborer kaya nais nitong madagdagan ang kanilang mga sahod.

Habang si Wilson Aclan naman ay tatakbo bilang senador, kung saan isa siyang security guard at active Reserve Army, pero ayaw nitong magpa-interview sa media kaya walang mapiga ang mga mamamahayag kung ano ang kanyang plano sakaling papalarin na manalo sa darating na halalan.

Facebook Comments