MANILA, PHILIPPINES – Ibinunyag sa Senate Media ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre na may isang dating senador at isang incumbent congressman ang nag-aalok ng 100-million pesos sa walong high-profile inmates na nagtestigo laban kay Senator Leila de Lima.
Sa ambush interview sa Senado, sinabi ni Aguirre na ang kapalit ng alok na suhol ay pagbawi sa mga naunang testimonya laban kay De Lima kaugnay ng drug trade sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City.
Aniya, ito ay bahagi ng destabilization plot laban sa Pangulong Duterte.
Inatasan na ni Aguirre ang NBI at Bureau of Corrections na imbestigahan ito.
Kabilang sa high-profile inmates na nagtestigo laban kay De Lima sina Herbert Colangco, Engelbert Dureno, Peter Co at Jojo Baliga.
Facebook Comments