Isang ama sa Taguig, arestado matapos mapatay sa bugbog ang sariling anak

406

Arestado ang isang ama sa Taguig City matapos nitong mapatay sa bugbog ang 7-taong gulang niyang anak na lalaki.

Kinilala ang salarin na si Arnold Perdiguez, 28-anyos na inaresto ng mga otoridad matapos ireklamo ng live-in partner at ina ng biktima na si Luz Montales.

Ayon sa mga otoridad, pinipilit pakainin ng suspek ng hapunan ang kaniyang anak na si Johncel Pedriguez.

Pero nang tumatangging kumain ang biktima ay sinuntok ito ng kaniyang ama sa ulo at katawan.

Nabatid na madaling araw na nang mapansin ng mag-live in partner na iba na ang itsura ng bata kaya isinugod ito sa ospital.

Gayunman, hindi na ito umabot ng buhay sa pagamutan.

Ang suspek ay nakatakdang sampahan ng Taguig City Police ng kasong parricide.




Facebook Comments