Isang eksperto, pabor na ipatigil na muna ang pagpapalabas sa mga bata

Kasunod nang presensya ng Delta variant sa bansa.

Mas makakabuting ipatigil na muna ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang pagpapalabas sa mga bata edad 5-taong gulang pataas.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Dr. Rontgene Solante, health adviser ng pamahalaan na sa kabila nang mababang kaso ng COVID-19 sa mga kabataan pero kapag ang mga ito ay lumabas at nakakuha ng virus maiuuwi nila ang sakit sa kanilang tahanan.


Ang mahirap aniya rito ay kapag may kasamang matanda at may sakit ang bata sa bahay na hindi bakunado ay tiyak na doon kakalat ang virus.

Paliwanag pa ni Dr. Solante na sadyang delikado kung maipapasa ang virus sa mga tinaguriang vulnerable sector dahil sila ang karaniwang tinatamaan ng severe cases ng COVID-19 at yung iba pa nga ay nasasawi.

Bukas, nakatakdang magpulong ang IATF at isa ang pagpapalabas sa mga bata sa magiging agenda.

Facebook Comments