Isang fetus, isinabit sa isang puno sa Kalinga

Kalinga – Ikinalungkot ng alkalde ng Tabuk City, Kalinga ang ulat na isinabit ang isnag fetus sa isang puno.

Ayon kay Tabuk Mayor Ferdinand Tubban – ang nasabing fetus na tinatayang lima hanggang anim na buwan ay nakita na nakasabit sa isang puno sa compound ng isang mini hydro powerplant.

Nanawagan ito sa mga taong posibleng nakakita sa gumawa ng krimen para mabigyan ng hustisya ang nasabing sanggol.


Agad namang nailibing ang fetus pagkatapos ng misa na isinagawa para sa kanya.

Facebook Comments