Isang Filipina, kabilang sa nasawi sa isang bus accident sa UAE

Isang Filipina ang kabilang sa 17 katao na nasawi sa bus accident sa United Arab Emirates.

Kinilala ang biktima na si Marie January Gallardo, isang physical therapist sa Oman.

Kabilang ang OFW sa 30 sakay ng bus na patungong Dubai nang bumangga sa sign board na nakakabit sa barrier.


Batay sa imbestigasyon, pumasok sa maling linya ang bus na mabilis umano ang takbo at bumangga sa barrier.

Tiniyak naman ng konsulado ng Pilipinas ang tulong para maiuwi sa Pilipinas ang labi ng OFW na tubong-Isabela.

Facebook Comments