Isang fire volunteer sa Parañaque City, arestado matapos nahulihan ng ₱23.4-M halaga ng shabu

Arestado ang isang 41-anyos na fire volunteer matapos na mahulian ng hinihinalang shabu na tinatayang may street value na ₱23.4 Million sa ikinasang drug operation sa may Paranaque City ngayong araw.

Ayon kay Southern Police District (SPD) Director PBGEN Kirby John Craft, kinilala ang suspek na si Jonnie Romo sa buy-bust operation sa may Balimbing street, Phase 3, olivarez Compound, Barangay San Isidro.

Nasabat mula kay Romo ang 8 plastic sachet na naglalaman ng shabu, 2 selyadong medium-sized plastic tea bags na may label na Guar Yun Wang, ₱1,000 buy bust money at iba pang paraphernalia.


Ang nasamsam na iligal na droga ay may tinatayang timbang na 3,450 gramo at may standard drug price na nagkakahalaga ng ₱23,460,000.

Mahaharap ang suspek sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments