Pamilya ng napaslang na Los Baños, Laguna Mayor, nananawagan ng hustisya

118

Umapela ang pamilya ni Los Baños, Laguna Mayor Caesar Perez kay Pangulong Rodrigo Duterte na tulungan silang mahanap ang hustisya.

Si Perez ay binaril ng mga hindi nakikilalang suspek sa loob ng municipal hall nitong Huwebes.

Ayon kay Aldous Perez, anak ng napaslang na alkalde, ang kanilang pamilya at buong bayan ng Los Baños ay nagluluksa sa pagkalawa ng kanilang ama.


Sinabi rin niya na nananatili silang minumulto ng pagkakasama ng alkalde sa narco-list ni Pangulong Duterte.

Aniya, paulit-ulit nang nililinis ng kanyang ama ang kaniyang pangalan.

Ang National Bureau of Investigation (NBI) ay nagsasagawa na rin ng imbestigasyon



Facebook Comments